MANILA, Philippines – Iniulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nitong Lunes na tatlong transmission lines sa Abra at Cagayan ang naapektuhan ng Super Typhoon Nando.
Apektado ang San Esteban-Bangued 69kV Line (Abra Electric Cooperative), Lal-lo-Sta. Ana 69kV Line, at Magapit-Camalaniugan 69kV Line (parehong para sa Cagayan Electric Cooperative II).
Ayon sa NGCP, naka-deploy na ang kanilang line crews upang inspeksyunin ang pinsala at magsagawa ng restoration sa mga lugar na madaanan. Dagdag nila, maaaring sanhi ng pagkawala ng kuryente ang transmission facilities o ang distribution utilities.
Alas-8 ng gabi, sinabi ng PAGASA na apat na lugar sa Luzon ang nasa ilalim ng Signal No. 4. Taglay ni Nando ang lakas ng hangin na 215 km/h at bugso na 265 km/h habang kumikilos pa-kanluran. Santi Celario