Matapos hilingin ni Senador Rodante Marcoleta ang pagbabalik kay ex-DPWH official Brice Hernandez sa Senado mula sa PNP Custodial center, nagdesisyon ang Senado na ilipat na lamang si Hernandez sa Pasay City Jail. CESAR MORALES
MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson nitong Lunes ang presensya ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bahay ng dating Bulacan district assistant engineer na si Brice Hernandez habang nasa ilalim ito ng 12-oras na pansamantalang release mula sa Senado.
Si Hernandez, na nakasuhan ng contempt sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa umano’y iregularidad sa flood control projects, ay pansamantalang pinalaya mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi noong Sabado upang makapaghain ng ebidensya.
Ayon kay Lacson, ikinagulat ng OSAA ang biglang pagdating ng CIDG at binigyang-diin na “Senate operation” ang naturang proseso.
Dagdag niya, pumayag si Hernandez na isuko ang kanyang computer ngunit kalaunan ay umatras upang kumonsulta muna sa abogado.
Natiyak ni Lacson na nakaseal na ang computer at walang kinuha ang CIDG sa mga gamit nito. RNT