Home NATIONWIDE P46B pondo sa flood control inilipat sa AICS, TUPAD

P46B pondo sa flood control inilipat sa AICS, TUPAD

326
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng isang subcommittee ng Kamara ang paglilipat ng ₱46 bilyon mula sa flood control budget ng Department of Public Works and Highways para sa 2026 patungo sa dalawang social aid programs.

Sa mungkahi ni House Minority Leader Marcelino Libanan, ₱32.6 bilyon ang inilaan sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) at ₱14.82 bilyon sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Kasunod ito ng anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang bagong pondo para sa flood control sa 2026. Sa realignment, tataas ang budget ng AICS mula ₱26.9 bilyon tungo ₱59.5 bilyon, habang ang TUPAD ay mula ₱12.1 bilyon tungo ₱26.9 bilyon.

Ayon kay Appropriations chair Mika Suansing, tugon ito sa hiling ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, at binigyang-diin na umabot sa ₱70 bilyon ang pinagsamang AICS at AKAP ngayong taon. Giit ng mga mambabatas, tinutulungan ng adjustments ang mga mahihirap na pamilya at nawalan ng trabaho habang pinapangalagaan ang fiscal space. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here