Home NATIONWIDE Ombudsman kinuwestyon ng Duterte camps sa ‘clearance’ para kay Remulla

Ombudsman kinuwestyon ng Duterte camps sa ‘clearance’ para kay Remulla

344
0

MANILA, Philippines – Humingi ng paglilinaw ang mga abogado ni Davao City Mayor Sebastian Duterte sa Office of the Ombudsman kaugnay ng ulat na nabigyan umano ng “clearance” si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na kasama sa mga sinampahan ng kaso kaugnay ng Marso 11 pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa liham na may petsang Setyembre 20 para kay Acting Ombudsman Dante Vargas at Deputy Ombudsman for Mindanao Anderson Lo, binanggit ng kampo ni Duterte ang dokumentong kumakalat umano mula sa “Concerned Ombudsman Employees” na nagsasabing na-“clear” si Remulla at na-“un-docket” ang mga kaso.

Ang reklamong inihain noong Setyembre 15 ay isinama rin sina Interior Secretary Juan Victor Remulla, Defense Secretary Gilbert Teodoro, National Security Adviser Eduardo Año, DOJ Undersecretary Nicholas Ty, dating PNP chiefs Nicolas Torre III at Rommel Marbil, at iba pa.

Kabilang sa mga kaso ang kidnapping, arbitrary detention, usurpation of judicial functions, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Binigyang-diin ng mga abogado na ang pag-isyu ng clearance ay tila pagbasura ng kaso kahit hindi pa nakapaghain ng counter-affidavit ang mga respondent. “Our office vehemently objects to any issuance of an Ombudsman Clearance in favor of Secretary Remulla,” anila.

Tinawag naman ni Remulla ang reklamo bilang “forum shopping” at isang “organized effort” para hadlangan ang kanyang kandidatura bilang Ombudsman, at iginiit na may nakabinbin nang kahalintulad na kaso sa Korte Suprema. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here