Home NATIONWIDE Poultry group nagbabala vs frozen chicken sa palengke

Poultry group nagbabala vs frozen chicken sa palengke

292
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang United Broilers Raisers Association (UBRA) sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng imported frozen chicken sa mga palengke dahil sa posibleng panganib sa kalusugan.

Ayon kay UBRA chairman Elias Jose Inciong, dapat dumaan sa mahigpit na regulasyon at laboratory testing ang imported poultry.

Mas mataas aniya ang tsansa ng bacterial contamination sa frozen products dahil sa proseso ng packaging at storage.

Dagdag pa niya, ang mga kemikal na ginagamit laban sa freezer burn ay maaaring magdulot ng iritasyon sa balat hanggang sa pananakit ng dibdib.

Iginiit din ni Dr. Rolly dela Torre ng UBRA Technical Committee ang kahalagahan ng cold chain facility, wastong refrigeration, at pagsunod sa Food Safety Act at regulasyon ng National Meat Inspection Service.

Umapela ang grupo sa pamahalaan na kumpiskahin ang mga thawed o kontaminadong karne at papanagutin ang mga lumalabag sa batas pangkaligtasan sa pagkain. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here