Home HOME BANNER STORY Ilang senador, kongresista kinaladkad ni Alcantara sa sa flood control mess

Ilang senador, kongresista kinaladkad ni Alcantara sa sa flood control mess

305
0

MANILA, Philippines – Isiniwalat ng dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineer na si Henry Alcantara ang di umano’y pagkakasangkot ng ilang senador at kongresista sa anomalya sa flood control projects.

Sa kanyang pagbasa ng sinumpaang salaysay sa ikalimang pagdinig ng Senado sa flood control project anomalies, nabanggit niya sina dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., Senador Jinggoy Estrada, at Senador Joel Villanueva, dating Caloocan Rep. Mitch Cajayon-Uy, at AKO Bicol Rep. Zaldy Co.

Nilinaw naman ni Alcantara na hindi niya direktang nakausap ang mga senador at kongresista, subalit dumaan umano sa kanilang mga tauhan ang mga transaksyon kaugnay ng umano’y kickbacks.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado nitong Lunes, sinabi ni Alcantara na batay sa sinabi sa kanya ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, mayroong ₱300 milyong halaga ng GAA insertions noong 2024 na nakalaan para kay Revilla, na noon ay muling kumandidato bilang senador noong 2025.

“Ayon kay Usec. Bernardo ang GAA insertions noong 2024 na nagkakahalaga ng ₱300 million, sabi niya po sa akin para kay Senator Bong Revilla,” pahayag ni Alcantara sa kanyang sinumpaang salaysay.

Dagdag pa ni Alcantara, sinabi rin umano ni Bernardo na “dagdagan ang proponent at siya na ang bahala,” na tumutukoy sa iba pang mambabatas na nasangkot sa mga proyekto.  RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here