Home NATIONWIDE LCSP nanawagang may managot na opisyal ng gobyerno, elected official sa flood...

LCSP nanawagang may managot na opisyal ng gobyerno, elected official sa flood control mess

298
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na dapat may mga malalaking pangalan sa pulitika at opisyal ng gobyerno (big fish) na dapat managot at maparusan sa kontrobersyal na ghost flood project upang maibalik ang tiwala ng mamamayan sa administrasyon ni Pangulong Marcos Jr.

Ayon kay Atty. Ariel Inton President ng LCSP hanggat walang napaparusahan at napapanagot ng mga Kongresista, Senador at opisyal ng gobyerno na isinasangkot sa mga flood control project mauulit at mauulit ang naganap na kilos protesta at rally na naganap nitong nakalipas na Setyembre 21, 2025.

Sa ginanap na  Quezon City Journalist Forum kanina Setyembre  23 (Martes) sinabi ni Inton na ang naganap na Trillion Peso March  rally nitong nakalipas na Setyembre 21 sa Luneta at Edsa Shrine People Power Monument ay kilos protesta ng mamamayan laban sa mapang abusong gobyerno.

“Nagsagawa ng kilos protesta ang mga mamamayan upang ipahayag ang kanilang hinaing at disgusto laban sa gobyerno hinggil sa maanomalyang flood control project” sabi ni Inton.

Kaugnay nito tiniyak din ng LCSP na magsasampa sila ng kasong civil laban sa mga kontraktor, elected official at public official na isinasangkot sa  flood control project.

“Kabilang sa kakasuhan naming ang mga kongresista, senador, opisyal ng DPWH at iba pang opisyal ng gobyerno” sabi pa ni Inton.

Sinabi pa ni Inton na kung ginampanan lamang ng mga mga opisyal ng gobyerno, legislators, ang kanilang mga tungkulin ay wala sanang baha at hindi naperwisyo sa malawakang baha ang mga motorista at mamamayan.

Nabatid pa kay Inton na maaaring maging complinant ang mga residente ng Quezon City at iba pang lungsod sa Metro Manila na naaapektuhan ng malawakang baha.

“Kailangan may managot na mga opisyal ng gobyerno, elected official kabilang ang mga kongresista at senador sa maanomalyang flood control project upang maibalik ang tiwala ng taong bayan sa gobyerno” sabi pa ni Inton. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here