MANILA, Philippines – Ang tropical depression na binabantayan sa silangan ng hilagang-silangan ng Mindanao ay pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Martes ng hapon.
Sinabi ng PAGASA na pumasok ang TD sa PAR alas-4 ng hapon. at bibigyan ng lokal na pangalang “Opong.”
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,045 km silangan ng northeastern Mindanao, base sa 5 PM bulletin ng PAGASA.
Base sa forecast track ng ahensya, posibleng lumapit o mag-landfall ang bagyo sa Northern Samar sa Biyernes ng madaling araw, at dumaan ng Southern Luzon hanggang Biyernes ng gabi o Sabado ng madaling araw, dagdag ng ahensya. RNT/MND






