Home NATIONWIDE 4 tigok, 160K pamilya sapul ng bagyong Mirasol, Nando

4 tigok, 160K pamilya sapul ng bagyong Mirasol, Nando

240
0
(c) Jennifer Arana

MANILA, Philippines – Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkoles na umabot na sa 159,197 pamilya o 692,707 katao sa 1,298 barangay sa 11 rehiyon ang apektado ng bagyong Mirasol at Nando, pati na rin ng habagat.

Ayon sa ulat ng alas-6 ng umaga, nasa 8,344 pamilya ang nananatili sa 516 evacuation centers habang 4,723 naman ang tinutulungan sa labas ng mga ito.

Apat na iniulat na nasawi — dalawa sa Central Luzon, isa sa Cagayan Valley, at isa sa Cordillera — ay kasalukuyang bineberipika, kasama ng 11 sugatan at isang nawawala.

Kabuuang 128 bahay ang napinsala: 111 ang bahagyang nasira at 17 ang tuluyang nawasak sa Ilocos, CAR, Calabarzon, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here