Home NATIONWIDE Bilyones na air assets na kinokonekta kay Zaldy Co, pinapa-freeze ng DPWH...

Bilyones na air assets na kinokonekta kay Zaldy Co, pinapa-freeze ng DPWH sa AMLC

326
0

MANILA, Philippines – Hiniling ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na i-freeze ang bilyong pisong halaga ng aircraft na konektado kay Ako Bicol Rep. Elizaldy “Zaldy” Co, sa kanyang kapatid na si Christopher Co, at sa ilang contractor na nadawit sa flood control projects scandal.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, nagsumite ang Civil Aviation Authority ng listahan ng assets ng Misibis Aviation & Development Corp., pinamumunuan ng anak ni Co na si Michael Ellis, kabilang ang $36-milyong Gulfstream 350 at $16-milyong Agusta Westland AW1399, na bahagi ng kabuuang $74.65 milyon.

Nasa $7.94 milyon naman ang aircraft ng Hi-Tone Construction ni Christopher Co, habang ang QM Builders — isa sa top contractors na tinukoy ni Pangulong Marcos — ay may $2-milyong Bell 505.

“Isusumite namin ito sa AMLC, DOJ, at Independent Commission on Infrastructure para sa posibleng freezing,” ani Dizon.

“Hindi kami titigil hanggang hindi nababawi ang pera ng taumbayan… Sabi ng Pangulo, bawiin ang pera ng taumbayan at kasama na po ito.”

Nauna nang humiling ang DPWH ng inventory ng mga sasakyan, lupa, barko, at aircraft na nakapangalan sa mga opisyal at contractor na dawit sa naturang anomalya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here