Ganito maaaring ilarawan ang naging talumpati ni Vice Ganda sa entablado sa ginanap na Trillion Peso March sa People Power Monument sa Quezon City nitong September 21 ng hapon.
Hinamon ng Unkaboggable Star si mismong Pangulong Bongbong Marcos kaugnay ng isyu ng talamak na korapsyon sa gobyerno.
“Hinahamon ka namin na ipakulong mong lahat ang mga magnanakaw sa gobyerno! Kung gusto mong magkaroon ng magandang legasiya, ipakulong mo sila!” hamon ng TV host.
Nilinaw ni Vice Ganda na ang panawagang ‘yon ay hindi dahil idol ng bayan si PBBM kundi
“sinuwelduhan ka namin!”
Tinawag ni Vice Ganda na ang mga mamamayan ang mismong employer ng Presidente.
Napamura pa ng “P. l.” ang TV host-actor dahil sa ginagawang pagnanakaw ng mga taga-gobyerno sa kabang-yaman ng bayan.
Kung kinakailangan nga raw ay: “I-donate nila ang kanilang mga ari-arian, walang ititira.”
Kasama rito ang mga mata, baga at iba pang bahagi ng katawan ng mga ito.
Isa ngang seryosong Vice Ganda na hindi na nakapagpigil sa nararamdamang galit ang humarap sa tao.
Inaasahang tatalima ang Pangulo sa panawagan ni Vice Ganda kung talagang seryoso itong puksain ang korapsyon sa ilalim ng kasalukuyan niyang panunungkulan.
The Palace has yet to release its response to Vice Ganda’s appeal. Ronnie Carrasco III