Home METRO Nasawi sa sumabog na pagawaan ng paputok sa Valenzuela, umakyat sa 4

Nasawi sa sumabog na pagawaan ng paputok sa Valenzuela, umakyat sa 4

311
0

MANILA, Philippines – Nakagigimbal ang pagkasawi ng apat na paslit, kabilang ang pitong taong gulang na kambal na babae, habang pito pang indibidwal ang sugatan matapos malapnos ang mga balat sa pagsabog ng isang iligal na pagawaan ng paputok kahapon ng umaga sa Brgy. Marulas, Valenzuela City.

Sa isang press conference kahapon, sinabi ni Valenzuela City Police Chief P/Col. Joseph Talento na naganap ang pagsabog alas-11:33 ng umaga mula sa isang pribadong tirahan sa No. 173 Pieces St., Brgy. Marulas ng nasabing lungsod.

Dalawang pitong taong gulang na kambal na babae ang nasawi, habang pito pang iba, kabilang ang isang limang taong gulang na batang lalaki na nakatira malapit sa lugar, ang iniulat na sugatan.

Nabatid na kabilang din sa mga nasugatan ang may-ari umano ng pagawaan ng paputok na nakilala sa alyas na “Rodjay.”

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), ang pagsabog ay nag-ugat mula sa isang nakatambak na pyrotechnic powder, pangunahing sangkap sa paggawa ng mga lusis, kwitis, fountain at iba pa.

Posibleng na-trigger umano ang pagsabog dahil sa friction na naging sanhi ng spark at lumikha ng apoy hanggang sa sumabog.

Alas-11:48 ng umaga nang maapula ang apoy ng mga miyembro ng Bureau of Fire Protection, kung saan apektado ang apat na pamilya.

Samantala, patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang tiyakin ang eksaktong bilang ng mga paputok na nakaimbak sa lugar.

Nakikipagtulungan din ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela sa pulisya upang tiyakin na pananagutin ang may-ari ng bahay na pinagmulan ng pagsabog, lalo’t may ordinansa ang lungsod na nagbabawal sa paggawa at pagbebenta ng paputok at hindi nagbibigay ng permiso para sa ganitong uri ng hanapbuhay. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here