Home NATIONWIDE PBBM kay Huang Xilian: It is unfortunate we didn’t make much progress...

PBBM kay Huang Xilian: It is unfortunate we didn’t make much progress in SCS

258
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakalulungkot na mayroon lamang maliit na progreso kaugnay ng usapin sa South China Sea.

Winika ito ng Pangulo nang magpaalam sa kanya si Chinese Ambassador Huang Xilian sa farewell call sa Malacañang Palace.

“We will miss you,” ani Pangulong Marcos sa Chinese envoy.

“It’s unfortunate we didn’t make much progress on the difficulties that we have in the South China Sea, West Philippine Sea,” dagdag pa niya.

“But I think, considering how difficult the situation was, that we have managed to keep things at least away from too much problem,” aniya pa rin.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang Chinese ambassador para sa kanyang serbisyo.

Sa maraming okasyon, matatandaan na ipinatatawag ni Pangulong Marcos o ng Department of Foreign Affairs si Huang hinggil sa nakagagalit na pagkilos ng Tsina sa South China Sea.

Noong Hulyo 12, 2016, nagtagumpay ang Pilipinas sa makasaysayang kaso sa Permanent Court of Arbitration (PCA) laban sa Tsina kaugnay ng ating mga karapatan sa West Philippine Sea.

Nagbigay-daan ang desisyong ito sa pagtataguyod ng pansoberanyang karapatan ng Pilipinas sa ating exclusive economic zone (EEZ) at continental shelf.

Binalewala naman ng Tsina ang nasabing desisyon ng PCA sa The Hague na nagdeklara na walang batayan ang makasaysayang pag-angkin nito sa West Philippine Sea. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here