MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakalulungkot na mayroon lamang maliit na progreso kaugnay ng usapin sa South China Sea.
Winika ito ng Pangulo nang magpaalam sa kanya si Chinese Ambassador Huang Xilian sa farewell call sa Malacañang Palace.







