Home TOP STORIES Sunod-sunod na kaso at alegasyon laban kay Rep. Teodoro, inilapit sa gitna...

Sunod-sunod na kaso at alegasyon laban kay Rep. Teodoro, inilapit sa gitna ng DPWH fund issue

278
0

MANILA — Sunod-sunod na kinakaharap na alegasyon at reklamo si Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro matapos niyang ilantad ang umano’y “double funding” sa ilang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program.

Sa mga nakalipas na linggo, lumabas ang pangalan ni Teodoro sa testimonya ng mga kontratistang sina Sarah at Curlee Discaya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. Sa kanilang salaysay, isinama ang pangalan ng kongresista bilang isa sa mga mambabatas na umano’y binigyan nila ng pera.

Kamakailan, dalawang babaeng pulis din ang nagsampa ng reklamong kriminal laban kay Teodoro kaugnay ng umano’y acts of lasciviousness. Ang mga kaso ay inihain ilang buwan matapos ang kanyang panalo bilang kinatawan ng distrito.

Samantala, lumulutang din ang isyu ng politika sa Marikina. Nananatiling aktibo ang mga lokal na personalidad at grupo na nakatunggali ng pamilya Teodoro sa nakaraang halalan, kabilang ang mga kaalyado ng pamilyang Quimbo.

Si Rep. Stella Quimbo, asawa ni Miro, ay dating Vice Chairperson ng House Committee on Appropriations at tumulong sa pagbalangkas ng 2025 national budge.

Batay sa pahayag ni Navotas Rep. Toby Tiangco, kabilang siya sa maliit na komite na tumanggap umano ng budget insertions mula sa iba’t ibang mambabatas.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang mga imbestigasyon at paglilitis kaugnay ng mga alegasyong ito.

Naninindigan si Teodoro na ang mga reklamong inihain laban sa kanya ay bahagi ng pagsisikap na pahinain ang kanyang kredibilidad kasunod ng kanyang pagbubunyag sa umano’y iregularidad sa pondo ng DPWH. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here