Home NATIONWIDE Mga maletang pinaniniwalaang naglalaman ng pera, ipinakita ng mga driver ng DPWH

Mga maletang pinaniniwalaang naglalaman ng pera, ipinakita ng mga driver ng DPWH

276
0

MANILA, Philippines – Sa isang testimonya sa Senate blue ribbon committee nitong Huwebes, sinabing ang mga maletang naglalaman ng milyun-milyong pera ay pinadadala bilang mga umano’y kickback sa mga flood control projects.

Ayon sa mga driver ng DPWH na sina Andre Balatbat at Christian Santiago, sila ang nagpapadala ng mga maleta sa pag-uutos ng kanilang mga “boss”. Sinabi ni Balatbat na nakapag padala na siya ng anim hanggang walang maleta sa isang tirahan sa Valle Verde, ngunit hindi niya makumpirma kung kaninong tirahan ito.

“Bale po isang beses lang po ako nakapag-deliver doon,” saad ni Balatbat sa mga senador.

Nang tanungin ni Senador Erwin Tulfo kung ilan ang maletang pinadala, aniya: “Sa pagkakatanda ko po, nasa 6 to 8 na maleta po.”

Ayon kay Balatbat na isang bahay sa Valle Verde ang pinagdalahan niya ng mga maleta, ngunit hindi niya masabing kay Cong. Zaldy Co ang tirahan dahil aniya wala namang resibo o acknowledgement na ibinibigay sa mga delivery.

Tumestigo naman si Christian Santigao, isa pang driver na kasama siya sa pitong iba pang deliveroes sa Phoenix Petroleum gas station sa Dahlia Street sa Fairview, kung saan inilipat lamang sa iba pang sasakyan ang mga maleta.

“Doon po sa Dahlia po, 7 beses po,” saad ni Santiago.

Sa bawat delivery ay walo hanggang sampong maleta ang ipinadadala sa iba’t-ibang araw. Aniya, limang beses ng Nobyembre, ang ilan pa ay noong Enero at Marso.

Sinabi pa niya na inililipat lamang sa ibang sasakyan ang mga maleta, kabilang ang isang sasakyan na may plate number na NFI 6319.

Ayon sa mga driver ay hindi nila alam kung ano ang mga nilalaman ng mga maleta, ngunit inamin na ito ay bahagi ng kanilang gawain.

Sa pagtatanong, inamin ni dating Bulacan district engineer Henry Alcantara na ang bawat maleta ay naglalaman ng P30 milyon hanggang P40 milyon, at kung minsan ay umaabot pa sa P50 milyon na cash.

“Normally po ang isang maleta nagre-range po mula P30 milyon hanggang P40 milyon… mayroong isa na umabot ng P50 milyon pero bihira,” ayon kay Alcantara.

Ipinagpatuloy pa ni Alcantara na ang pondong ito ay mga “advance” mula sa mga contractor, na nagtataas ng mga tanong mula sa mga senador kung ang mga ito ay kumakatawan sa mga kickback para sa mga pampublikong opisyal.

Iniimbestigahan ng Senate inquiry ang mga umano’y iregularidad sa mga flood control project ng gobyerno, kabilang ang mga ghost and substandard works, contractor collusion, at posibleng kickback network na kinasasangkutan ng mga opisyal at mambabatas ng DPWH. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here