Home METRO Protesta laban sa katiwalian patuloy na isinasagawa

Protesta laban sa katiwalian patuloy na isinasagawa

366
0

MANILA, Philippines – Matapos ang malawakang kilos protesta noong Setyembre 21, 2025 upang tuligsain ang mga nangyayaring korapsyon sa bansa, kung saan hiling ng mga militante na managutan ang mga sangkot sa katiwalian, patuloy ang nagiging laban ng mga Pilipino ukol dito.

Ang Luneta ay umani ng hindi bababa sa 80,000 katao, batay sa pagtataya ng Bagong Alyansang Makabayan, habang sa Edsa – mula sa Edsa People Power Monument at White Plains Avenue hanggang sa National Shrine of Mary, Queen of Peace – 100,000 katao ang nagtagpo, sabi ng Akbayan Partylist.

Sa Iloilo, 15,000 katao ang humiling na tapusin ang korapsyon sa gobyerno, samantala sa Baguio City ay 5,000 katao ang nag martsa mula Baguio Convention Center upang iprotesta hindi lamang ang maling paggamit ng mga mapagkukunan ng gobyerno kundi pati na rin ang impunity na nagbigay daan sa korapsyon na umunlad.

Sa Palawan, 4,000 katao ang sumali sa protesta sa Seminario de San Jose in Puerto Princesa City, samantala sa Tagbilaran City, Bohol, halos 4,000 katao din ang nagtipun-tipon sa Plaza Rizal upang gumawa ng sama-samang paninindigan laban sa katiwalian sa gobyerno.

Sa Angeles City, Pampanga at Calumpit, Bulacan naman, mahigit 3,000 katao ang lumabas at nag protesta, samantalang 1,000 katao ang sumali mula sa San Fernando City, La Union, na may Kilos La Union Kontra Korapsyon  na humihiling ng “change in the decaying and corrupt system.”

Sa Tuguegarao City, Cagayan, Santiago City, Isabela, Bayombong, Nueva Vizcaya, Dagupan City, Pangasinan, Oriental and Occidental Mindoro, Legazpi City, Albay, General Santos City, Davao City, Roxas City, Capiz, Naga City, at Cebu City ay nagsagawa din ng kilos protesta.

Ang mga simbahan sa Luzon, Visayas, at Mindanao ay nagsahawa ng mga misa at gumawa din ng sama-samang paninindigan laban sa katiwalian sa gobyerno, bilang tugon sa panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na gawing Araw ng Panalangin at Pananagutan Laban sa Korupsyon ang Linggo, Setyembre 21.

Nitong Huwebes, Setyembre 25, tatlo pang aktibidad ang nakatakda sa Metro Manila, Baguio City, at Isabela upang ipagpatuloy ang pakikibaka laban sa katiwalian sa gobyerno, na sinabi ng think tank na Ibon Foundation na gumastos ng Pilipinas ng hanggang P197 bilyon taun-taon mula noong 2022.

  • Misa ng Bayan, Sept. 26, 5 p.m., Quezon City

Pinasimulan ng Conference of Major Religious Superiors sa Pilipinas, ang Misa ay gaganapin sa Religious of the Good Shepherd Convent sa Aurora Boulevard sa Quezon City bilang pagpapatuloy ng ating paglaban sa katiwalian at para sa mga adhikain na ating nasimulan noong weekend.

  • Student Protest and Walkout, Sept. 26, Echague, Isabela

Nakatakda sa Isabela State University (ISU), ang protesta at walkout, sa pangunguna ng Supreme Student Council at inendorso ng executive officer ng ISU Echague, ay isang pagpapahayag ng pagkondena laban sa laganap na katiwalian na patuloy na nakakaapekto sa ating mga institusyon, estudyante, pamilya, at mas malawak na mamamayang Pilipino.

  • Prayer March and Mass Against Corruption, Oct. 7, 8 a.m., Baguio City

Sa pangunguna ng Diocese of Baguio, magsisimula ang martsa sa Baguio Convention Center at magtatapos sa Cathedral of Our Lady of the Atonement, kung saan nakatakdang ipagdiwang ang isang Misa, kung saan itinuturo ng lokal na simbahan ang moral obligation nito na manguna sa labanan laban sa mga kasamaan sa mundo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here