MANILA, Philippines – Patuloy na magdadala ng malakas na pag-ulan sa bansa ang severe tropical storm “Opong” at habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA)
Alas-3:00 ng hapon, huling namataan si Opong 245 kilometro silangan ng Guluan, Eastern Samar, papuntang kanluran na may bilis na15 kilometers per hour (kph), dagdag ng PAGASA.
Iniulat din ng PAGASA na si Opong ay may maximum sustained winds na 110 kph, na may pagbugsong aabot sa 135 kph.
Ayon sa Pagasa, si Opong ay inaasahang magdudulot ng “stormy” na kondisyon ng panahon sa mga sumusunod na lugar na may kanya-kanyang pag-ulan mula Huwebes hanggang Biyernes ng hapon:
Mas mataas sa 200 millimeters pag-ulan
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Biliran
Romblon
Masbate
100 hanggang 200 millimeters
Nagbabala din ang PAGASA sa “rains with gusty winds” dahil kay Opong sa mga sumusunod na lugar:
100 hanggang 200 millimeters pag-ulan
Batangas
Camarines Norte
Catanduanes
Camarines Sur
Albay
Marinduque
Oriental Mindoro
Aklan
Capiz
Leyte
50 hanggang 100 millimeters pag-ulan
Metro Manila
Aurora
Laguna
Cavite
Rizal
Cebu
Bohol
Southern Leyte
Dinagat Islands
Surigao del Norte
Sa kabilang banda, ang paminsan-minsang pag-ulan na dala ng habagat ay mararanasan sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Palawan, at sa natitirang bahagi ng Visayas at Caraga, iniulat ng state weather bureau.
Ang bagyo ay magdadala rin ng mga pag-ulan sa natitirang bahagi ng Luzon, habang ang monsoon ay magdadala ng mga pag-ulan sa natitirang bahagi ng Mindanao, payo ng Pagasa. RNT/MND