Home NATIONWIDE Opong, Habagat magpapaulan ‘gang Sept. 27

Opong, Habagat magpapaulan ‘gang Sept. 27

239
0

MANILA, Philippines – Inaasahang magdudulot ng malalakas na pag-ulan ang Severe Tropical Storm Opong at Southwest Monsoon (Habagat) sa Luzon at Visayas ngayong Biyernes at Sabado, ayon sa PAGASA.

Sa inilabas na heavy rain outlook ng state weather bureau alas-5 ng umaga ng Setyembre 26, sinabi nitong posibleng tumanggap ng higit 200 mm ng ulan ang Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Sorsogon, Masbate, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, at Romblon. Aabot sa 100–200 mm ang ulan sa Quezon, Laguna, Batangas, mga probinsya ng Bicol, Marinduque, at ilang bahagi ng Visayas, habang 50–100 mm naman ang posibleng maranasan sa Metro Manila, Aurora, Cavite, Bataan, at Rizal.

Sa Sabado, maaaring umabot sa 100–200 mm ang ulan sa Occidental at Oriental Mindoro, habang hanggang 100 mm sa Batangas at Cavite. Asahan din ang ulan mula Habagat: 100–200 mm sa Guimaras at 50–100 mm sa Palawan, Negros Oriental, at Siquijor.

“Forecast rainfall may be higher in mountainous and elevated areas. Moreover, impacts in some areas may be worsened by significant antecedent rainfall,” ayon sa PAGASA.

Pinayuhan ng ahensya ang publiko at mga lokal na disaster officials na magsagawa ng kinakailangang hakbang para sa kaligtasan ng buhay at ari-arian. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here