Manila, Philippines – She’s lovable and adorable, but you won’t get to like Heart Evangelista when she’s mad, really mad.
Sa isang maikling video, sumambulat nga ang matinding emosyon ng global fashion icon na nagpahayag ng kanyang sentimyento sa marami sa ating mga kababayan.
Dapat pala’y dadalo ang misis ni Senator Chiz Escudero sa malawakang kilos protesta nitong September 21.
Pero last minute ay nagbago ang kanyang pasya.
Emote ni Heart: “Sa tingin n’yo, hindi ako pikon? Napipikon na ako!
“Hindi din ba ako Pilipino?”
Nanggagaling ang himutok na ‘yon ng aktres dahil kasama siya sa galit ng taumbayan kay Chiz na idinadawit din sa mga kaso ng katiwalian sa bansa.
Iniatras nga ni Heart ang plano niyang pakikibahagi sa rally dahil naulinigan niya ang banta sa kanya.
Had she showed up daw kasi ay nagbanta ang mga rallyista na huhubaran siya.
Kilala si Heart sa pagsusuot ng mga branded na kasuotan at pati accessories na iniuugnay sa kanyang yaman mula sa bulsa ng mga mamamayan.
Ang hindi alam ng karamihan ay mula sa mayamang angkan ng mga Ongpauco si Heart lalo sa negosyo ng pagre-restaurant.
Samantala, ang ilan sa mga dumalo sa rally tulad ni Philip Salvador ay sinigawan ng paulit-ulit na “Epal!” ng mga tao.
Nakunan pa si Philip–na kilalang DDS–ng video na pinanlilisikan niya ng mata ang mga sumigaw sa kanya. Ronnie Carrasco III