Home ENTERTAINMENT Yuki Sonoda, inggit-much kina Andres at Ashtine!

Yuki Sonoda, inggit-much kina Andres at Ashtine!

348
0
Screenshot

Manila, Philippines – Kaliwa’t kanan ngayon ang proyektong pinagkaka-abalahan ni Yuki Sonoda.

Kabilang siya sa cast ng pelikulang ‘Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna’ na tinatampukan nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga.

Ayon kay Yuki, boto siya sa love-team ng dalawa.

Aniya, “Sina Andres at Ashtine napakabait and magaling po sila talaga, support na support po ako sa love team nila. Actually, ang buong cast po, napakabait nilang lahat, para kaming magkabarkada po.”

Ano ang role niya rito?

“Ang role ko po sa movie, ako po si Sydney, bale ako po yung muse ng class namin, hehehe.”

May mga pakilig ba sa movie nila?

“Sina Ashtine and Andres po talaga ang nagpapakilig sa movie, pero kinilig din ako sa isang vocal boy group, kasi hinarana po nila ako, hahaha!”

Dahil dito, ayon kay Yuki ay parang gusto na rin niyang magkaroon daw ng ka-love team.

Nainggit ba siya sa pagiging sweet nina Andres at Ashtine kaya type niyang magkaroon na rin ng ka-love team?

“Yes po, trueee po! Hahaha! Sana po yung mas matangkad po sa akin, matangkad at guwapings! Hahaha!” nakatawang sambit pa ni Yuki.

Showing na ngayon ang pelikula at bahagi rin nito sina Joko Diaz, Giselle Sanchez, Gene Padilla, Phoebe Walker, at iba pa.

Si Yuki ay isang Pinay-Japanese na nagtapos ng kursong International Business Law sa Tokyo.

Siya ay isang model at beauty queen sa Japan, na naging Miss Universe Japan- 2nd runner up. Nasa pangangalaga siya ni Ms. Len Carrillo at ng Viva.

Nabanggit din ng aktres ang iba pa niyang projects.

“Aside po sa movie na Minamahal, nag-start na rin po akong mag-hosting ngayon, iyon po yung galing sa Viva. Iyong kay Nay Len (Carrillo) naman po, coming soon po iyong mga movie ko sa kanya.”

Kabilang si Yuki sa tampok sa pelikulang ‘Lost and Found’, starring Paolo Contis, Kelley Day, at Quinn Carrillo. Mula sa pamamahala ng award-winning director na si Louie Ignacio, ito ay hatid ng 3:16 Media Network ni Ms. Len at Vipe Studios ni Dave Villaflor.

Kasama rin si Yuki sa pelikulang ‘Die Father, Thy Son’ ni Direk Sid Pascua. Tampok sa pelikula sina JC Santos, Nonie Buencamino, Shamaine Buencamino, James Clarence Fajardo, Quinn, at iba pa. Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here