Home NATIONWIDE Pagsugpo sa illegal cigarette trade ipinanawagan sa pamahalaan

Pagsugpo sa illegal cigarette trade ipinanawagan sa pamahalaan

266
0

MANILA, Philippines — Umapela ang civic advocacy group na CitizenWatch Philippines sa pamahalaan na durugin ang ilegal na bentahan ng sigarilyo na umano’y sumisira sa kalusugan ng mga Pilipino at lumalamon sa pondo ng gobyerno para sa serbisyong medikal.

“Every stick of untaxed, illegal tobacco doesn’t just rob our nation of revenues; it steals hospital beds, medicine, and lifesaving care from millions of Filipinos,” ayon kay CitizenWatch lead convenor Orlando Oxales sa isang pahayag nitong Sabado.

Tinukoy niya ang resulta ng Pulse Asia survey kung saan 57% ng mga Pilipino ang may alam sa pagbebenta ng ilegal na sigarilyo, habang 71% naman ang nagsabing mas pinipili ito dahil mas mura.

Binalaan ni Oxales na nasasayang ang bilyong pisong dapat sana’y napupunta sa health programs dahil sa paglakas ng black market.

“Billions of pesos that should have gone to healthcare have vanished into the black market,” aniya.

Dagdag pa niya, ang bansa ay nagiging “hotbed” ng smuggled cigarettes, na nagbubunsod ng korapsyon at paglakas ng organisadong krimen.

Kaugnay nito, nanawagan ang grupo ng mas maigting na pagpapatupad ng batas, full-scale prosecutions, at paggamit ng modernong digital tracking systems upang wasakin ang supply chain at mabawi ang nawalang kita ng pamahalaan.

“Every cheap, smuggled pack is a weapon aimed at the health and future of Filipino families,” diin ni Oxales. “The government must act now. Silence and inaction are no longer options.”

Batay sa datos ng Philippine Tobacco Institute (PTI), umabot na sa record high ang illicit cigarette trade sa bansa ngayong taon, kung saan isa sa bawat limang sigarilyo ang hindi nabubuwisan at hindi rehistrado.

Dahil dito, bumagsak ang tobacco excise revenue ng gobyerno mula ₱176 bilyon noong 2021 tungo sa ₱134 bilyon noong 2024. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here