Home OPINION BLUE RIBBON, ICI, DOJ BANTAYAN SA ILOCOS AT EASTERN VISAYAS REGION

BLUE RIBBON, ICI, DOJ BANTAYAN SA ILOCOS AT EASTERN VISAYAS REGION

278
0

PATULOY ang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee ng Senado, Independent Commission for Infrastructure at Department of Justice kaugnay ng halos 2 trilyong pisong badyet sa flood control projects sa nakalipas na 15 taon, kasama ang 3 taong administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Halos magkapareho ang pahayag nina Senador Ping Lacson at nina dating Department of Public Highways and Public Works Engineers Henry Alcantara at Brice Hernandez ukol sa tunay na presyo ng bawat proyekto.

Para kay Lacson, maswerte na kung may 40% matitira para sa proyekto, at para kina Alcantara at Hernandez, nasa 30%.

Sa malaking bahaging natitira, pareho rin sina Lacson at Alcantara na nagsasabing nasa 18% ang kabuuang ligal na napupunta sa kontraktor (8-10%) at ang iba, para na sa buwis at iba pa.

Noong panahon ni ex-President Noynoy Aquino, nasa 10% ang kikbak ng mga mambabatas: panahon ni ex-President Digong Duterte, nasa 15%; at sa panahon ni Marcos, pinakamalaki umano dahil nasa 25-30%, ayon kina Alcantara.

Para sa atin, kabilang sa pinakamahalagang usapin ang pagkakasangkot ng mga mambabatas na kongresman at senador at taga-Palasyo, kung meron man.

Umaamin na ang mga “tungaw” at “sapsap” lamang na sangkot sila at nagkapera, pero ang mga mambabatas, wala pang umaamin at mas masama, sinasabi nilang mga guni-guni o pawang paninira at kasinungalingan lang ang pandadamay sa kanila ng mga tungaw at sapsap.

Sa Senado, pinangalanan na ang name that cannot be named at iba pang mambabatas.

Sa ICI at DOJ, wala pang gaanong inilalabas na pangalan, lalo na ang ilang taga-Ilocos Region at Eastern Visayas Region.

Kapag hindi sasakupin ng imbestigasyon ng ICI at kasong isasampa sa korte ng DOJ ang ilang taga-Ilocos Region at ilang taga-Eastern Visayas Region, ano kaya ang masasabi ni Manong Chavit Singson at ng mga mamamayan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here