MANILA, Philippines – Inaprubahan agad ng Senate finance subcommittee nitong Lunes, Setyembre 29 ang proposed P902.895 million budget ng Office of the Vice President para sa fiscal year 2026 nang wala pang isang oras.
Nag-mosyon si Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri na igawad ang parliamentary courtesy sa OVP, at sinabing ang 2026 proposed budget ay “lean and mean” na.

Sinegundahan ito ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa matapos na magpahayag ng kanilang suporta ang iba pang mga senador sa budget ng OVP.







