Home NATIONWIDE Pagnanais na palitan si Magalong sa ICI, itinanggi ni Vico Sotto

Pagnanais na palitan si Magalong sa ICI, itinanggi ni Vico Sotto

317
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga ulat na ikinokonsidera niya ang tungkulin bilang special adviser sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), ang posisyon na binakante ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Sa Facebook post nitong Lunes, Setyembre 29, sinabi ni Sotto na siya ay “misquoted” sa ambush interview nang tanungin kung bukas ba siya sa pagpuno sa pwestong iniwan ni Magalong sa ICI.

“If you listen carefully, what I actually said was ‘We already released a statement,’” dagdag niya, na ang tinutukoy ay ang pahayag na inilabas ng Mayors for Good Governance (M4GG) bilang suporta kay Magalong.

Si Sotto ay miyembro ng M4GG, isang grupong binuo noong 2023 ni Magalong at ng iba pang mga alkalde para ipanawagan ang good governance at labanan ang korapsyon sa pamahalaan.

Sa pahayag, nilinaw din ng M4GG na walang katotohanan ang sinasabi na si Sotto ay inalok ng posisyon bilang ICI special adviser.

“M4GG, led by Convenors Mayors Benjie Magalong, Vico Sotto, Joy Belmonte, and Sitti Hataman will continue to work together for an independent, nonpartisan crusade against corruption and for good governance,” dagdag pa.

Nanawagan si Sotto sa publiko na huwag ding kastiguhin ang media outlet na nagkamali ng interpretasyon sa sinabi niya.

“Let’s give the benefit of the doubt and not immediately think ill of the media outlet that posted it. Everyone makes mistakes.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here