Home METRO Rider tepok sa salpok ng AUV

Rider tepok sa salpok ng AUV

244
0

RIZAL-TEPOK ang isang rider matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang Asian Utility Vehicle (AUV), sa Cainta, Rizal madaling-araw ng Linggo.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si alyas Alfred, 41-anyos, habang hawak naman ng pulisya ang driver ng AUV na si alyas Jolly, 57.

Batay sa report ng Cainta Municipal Police station, bandang 1:00 AM naganap ang insidente sa kahabaan ng Felix Avenue, ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, makikita sa CCTV footage na liliko pakaliwa ang AUV papasok sa isang subdivision mula sa main road nang biglang bumangga rito ang Nmax motorcyle ng biktima na galing sa kabilang direksyon.

Dahil sa bilis ng takbo, tumilapon nang ilang metro sa ere ang rider bago bumagsak sa kalsada. Idineklara siyang dead-on-the-spot.

Ayon sa pulisya, galing ang biktima sa paglalaro ng basketball sa Cainta at pauwi na sana sa Antipolo City.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang driver ng AUV. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here