Home NATIONWIDE Vape products na may ‘tuklaw’ ibinabala ng PDEA

Vape products na may ‘tuklaw’ ibinabala ng PDEA

402
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Martes na posibleng may mga vape products na naglalaman ng parehong synthetic cannabinoid na nakita sa “Tuklaw” cigarettes.

Ayon kay PDEA chief Undersecretary Isagani Nerez, nakumpirma ng laboratory tests sa Pilipinas at Singapore na ang Tuklaw ay may kemikal na nakalista sa United Nations Office on Drugs and Crime at ikinlasipika ng Dangerous Drugs Board (DDB) bilang ipinagbabawal na substance.

“Now, we found out that the cannabinoid, the component of Tuklaw, is already present in vape products,” aniya.

Sinabi ni Nerez na hihilingin ng PDEA sa DDB ang paglabas ng board resolution kapag nakumpirma ang resulta. Paliwanag ng DDB, ginagaya ng kemikal ang cannabis at ituturing itong dangerous drug, na formal nang ililista sa lalong madaling panahon.

Tinanong ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kung parusado na sa ilalim ng RA 9165 ang pagmamay-ari ng Tuklaw cigarettes. Tumugon si Nerez ng oo, dahil kabilang na ito sa prohibited drugs.

Hinikayat din ni Dela Rosa ang pagpapatuloy ng information drive. “Kahit medyo nawawala na ang balita tungkol diyan, tuloy pa din ‘yung public information drive ninyo para sa mga bata na ma-aware,” aniya.

Ang Tuklaw, na umano’y mula Vietnam, ay kilalang naglalaman ng synthetic cannabinoids na nagdudulot ng malubhang epekto gaya ng kombulsyon.

Nauna nang naglabas ng advisory ang mga awtoridad laban sa pagbebenta at paggamit nito matapos ang mga pagkakasamsam sa tourist areas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here