Home HOME BANNER STORY Utang ng Pinas, nabawasan nitong Agosto

Utang ng Pinas, nabawasan nitong Agosto

324
0

MANILA, Philippines – BUMABA ang sovereign debt ng Pilipinas nitong Agosto matapos na plantsahin ng gobyerno ang domestic obligations nito at dahil sa paglakas ng piso.

Ayon sa Bureau of the Treasury, ang kabuuang utang ay dumausdos sa P17.47 trilyon o bumaba ng P95.07 bilyon noong Agosto mula P17.563 trilyon noong Hulyo.

“This was mainly due to the government’s full repayment of its biggest local bond for the year, worth P516.34 billion, and a stronger peso, which reduced the value of the country’s external debt,” ayon sa Treasury.

Sinabi pa rin ng Treasury na ito’y maituturing na improvement o pagbuti sa debt profile ng bansa habang ang share of domestic debt sa kabuuang borrowings ay tumaas sa 69.2% mula 68.9% noong nakaraang buwan.

“This indicates a generally more favorable debt position, given that domestic debt is less vulnerable to shifts in foreign exchange movements. In addition, domestic borrowing is largely owed to Filipinos themselves, providing a safe and secure investment vehicle for wealth growth while also ensuring that the money circulates back into the local economy,” dagdag pa ng Treasury.

Bumaba ang domestic debt sa P12.09 trilyon, mas mababa ng P21.39 bilyon mula sa naunang buwan. Bumaba rin ang foreign debt sa P5.38 trilyon, mas mababa ng P73.68 bilyon kumpara sa July 2025 level nito.

Gayunman, kumpara sa Agosto noong nakaraang taon, ang kabuuang utang ay mas mataas ng P1.92 trilyon o 12.3%.

Mula nang magsimula ang taon, nakalikom ang gobyerno ng P1.84 trilyon sa pamamagitan ng local borrowings, kabilang na rito ang highly successful issuance ng Retail Treasury Bond Tranche 31.

Samantala, minaliit naman ng economic managers ang alalahanin ukol sa laki ng utang, sabay sabing “sustainable” ito basta’t napapanatili ng Philippine economy ang mabilis na paglago nito. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here