Home NATIONWIDE P56-M lotto jackpot nasapul sa QC

P56-M lotto jackpot nasapul sa QC

259
0

MANILA, Philippines – Isang mananaya mula Barangay Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City ang nakahakot ng ₱56-milyong jackpot sa MegaLotto 6/45 draw noong Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes.

Ang winning combination ay 30-20-23-40-12-14, na may eksaktong premyo na ₱56,078,818.00.

May isang taon ang panalo para kunin ang premyo sa PCSO main office sa Mandaluyong City, na papatawan ng 20% buwis sa ilalim ng TRAIN law.

May 44 nanalo ng tig-₱32,000 sa limang tamang numero; 2,116 ang makakakuha ng ₱1,000 sa apat na numero; at 31,260 ang makakatanggap ng ₱30 sa tatlong tamang numero.

Hinimok ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na suportahan ang mga laro ng PCSO dahil ang kita nito ay napupunta sa serbisyong pangkalusugan, medikal na tulong, at iba pang pambansang kawanggawa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here