Home NATIONWIDE Diskuwalipikasyon ng Duterte Youth Partylist, pinal na – Comelec

Diskuwalipikasyon ng Duterte Youth Partylist, pinal na – Comelec

321
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng Certificate of Finality ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng disqualification ng Duterte Youth Partylist, na ginagawang agad na epektibo ang kanselasyon ng kanilang rehistrasyon.

Sa resolusyon, kinumpirma ng Comelec En Banc ang pasya ng Second Division na “void ab initio” ang rehistro ng grupo dahil sa kabiguang sumunod sa mga requirement sa publication at hearing.

Ilan sa mga basehan ng pagkakansela ay ang pagsumite ng hindi totoong impormasyon sa eligibility ng nominees, kawalan ng tunay na layuning katawanin ang youth sector, pagtaguyod ng iligal na pamamaraan, kaugnayan sa National Youth Commission, paglabag sa mga batas at regulasyong pang-eleksyon, at mga hakbang na nagpapatawa o bumabastos sa proseso ng halalan.

Binigyang-diin din ng Comelec ang mass withdrawal at palit-palitang nominees ng Duterte Youth noong 2019 elections na umano’y sumira sa integridad ng party-list system. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here