Home NATIONWIDE Kabataang Bulakenyo, hinikayat ni Cayetano na kumilos vs pagbaha sa lalawigan

Kabataang Bulakenyo, hinikayat ni Cayetano na kumilos vs pagbaha sa lalawigan

4
0

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mga kabataan sa Bulacan na makibahagi sa paghahanap ng solusyon sa paulit-ulit na pagbaha at magkaroon ng aktibong papel sa paghubog ng kinabukasan ng kanilang komunidad.

Sa kanyang talumpati sa Councils of Bishops and Ministers Association of the Philippines Inc. (CBMAP) Youth Conference kamakailan, sinabi ni Cayetano na dapat maniwala ang mga kabataan na maaari nilang baguhin ang kalagayan ng kanilang komunidad at hindi kailangang mamana ng susunod na henerasyon ang problemang kinakaharap ngayon.

“Alam ng Diyos ang paraan pero may kapangyarihan sa inyong mga bibig. Sabihin nyo ‘Lord, hindi mo ipamamana sa akin ng isang Bulacan na bahain,” aniya.

Ibinahagi ni Cayetano ang karanasan ng Taguig bilang halimbawa ng isang komunidad na dumaan din sa malawakang pagbaha bago ito nakilala sa mga malalaking development tulad ng Bonifacio Global City (BGC) at Arca South.

“Alam ninyo kung bakit ako nakakapagsalita ng ganito? Noong 1990, I was 20 years old, one-third ng Taguig, ‘pag umulan ng October hanggang January, binabaha kami,” aniya.

Ikinuwento rin ng senador na patuloy na nanalangin noon ang mga lider ng pananampalataya para sa pagbabago sa Taguig kahit wala silang kaalaman sa engineering, impluwensiyang pulitikal o sapat na pinansiyal na resources.

Gayunman, sinabi ni Cayetano na kailangan ding samahan ng konkretong hakbang ang panalangin upang matugunan ang pagbaha, kabilang ang maayos na pamamahala, engineering solutions at mga hakbang laban sa korapsyon.

Hinimok niya ang mga kabataan na kilalanin ang kanilang kakayahang makatulong sa kanilang mga komunidad at magkaroon ng aktibong papel sa paghubog ng kalagayang mamanahin ng susunod na henerasyon.

Batay sa karanasan ng Taguig, sinabi ni Cayetano na umaasa siyang magiging bahagi ang mga kabataan sa pagtugon sa mga matagal nang problema ng kanilang mga komunidad, partikular ang pagbaha sa Bulacan.

“Young people, nasa kamay ninyo ang future ng inyong mga lugar, lalo po dito sa lalawigan ng Bulacan,” aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here