Home ENTERTAINMENT Rita, nirampa na ang jowa!

Rita, nirampa na ang jowa!

348
0

Manila, Philippines – Ke soft o hard launch, ay hindi na mahalaga.

What matters more to Rita Daniela, there’s a guy who lights up her life.

After four years of being single, sa wakas ay meron nang nagmamay-ari ng puso ng Kapuso actress.

Siya’y si McLaude Guadaña, star player ng Lyceum of the Philippines University (LPU).

Si McLaude nga ang kasama ni Rita nang tanggapin niya ang kanyang Best Actress award sa 7th Sinag Maynila nitong September 28.

Rita won for her performance in the Joel Lamangan-megged Madawag ang Landas Patungong Pag-asa.

Hindi ‘yon ang first time na nakita nang magkasama sa publiko sina Rita at McLaude.

Dumalo rin ang binata sa nakaraang birthday party ng aktres nitong September 15.

Sa tanong kung bakit sila nagkiklik bilang couple — respeto raw sa isa’t isa at ang kanilang pananampalataya sa Itaas.

Intriguingly, hindi pa napapanood ni Rita na maglaro ang nobyo sa NCAA.

For sure, wagas si Rita pag nag-cheer!

(Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here