Home NATIONWIDE P20/kg bigas ibebenta ng DA sa sapul ng Cebu quake

P20/kg bigas ibebenta ng DA sa sapul ng Cebu quake

269
0

MANILA, Philippines – Ipatutupad ng pamahalaan ang ₱20 kada kilo na bigas sa mga lugar sa Visayas na tinamaan ng magnitude 6.9 na lindol sa loob ng hindi bababa sa isang buwan, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. nitong Miyerkules.

“We are food secure at the moment. We have enough supplies,” aniya, at idinagdag na saklaw ng programa ang mga apektadong lugar sa Cebu, gayundin sa Masbate at Eastern Samar.

Sinabi naman ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na handa ang kagawaran na magbigay ng tulong sa mga magsasakang naapektuhan at naghihintay pa ng ulat kaugnay ng pinsala sa agrikultura at mga farm-to-market roads.

Idineklara na ang Cebu sa ilalim ng state of calamity matapos ang lindol na ikinasawi ng hindi bababa sa 60 katao at ikinasugat ng marami. Patuloy pang bineberipika ng NDRRMC ang mga ulat ng kaswalidad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here