INIHARAP ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago sa media ang boluntaryong pagsuko ng dalawang suspek sa pagpatay kay Atty. Wesley Barayuga noong 2020.
Si Barayuga, dating Kalihim ng Lupon ng PCSO at retiradong opisyal ng pulisya, ay pinagbabaril ng mga armadong lalaking sakay ng motorsiklo sa Mandaluyong City, habang sugatan naman ang kanyang drayber.







