Home TOP STORIES Flood control probe, ‘wag gawing props lang; mga proyekto ni Dalipe, daanan...

Flood control probe, ‘wag gawing props lang; mga proyekto ni Dalipe, daanan – Pulong

259
0

DAVAO CITY – Nanawagan si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte na huwag gawing “props” ang imbestigasyon sa mga flood-control projects at tiyakin na patas ang pagbusisi sa lahat ng lugar.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Duterte: “Kung talagang seryoso ang gobyerno at mga independent agencies sa paglilinis ng flood-control projects, tigilan ang panggagamit ng imbestigasyon bilang PROPS para sa publicity.”

Pinuna rin niya na tila Davao City lamang ang tinututukan, gayong malinis umano ito at walang ghost projects, habang ang ibang lugar na nasangkot sa anomalya ay hindi masyadong napapansin.

Larawan ng mga nakiisa sa kilos-protesta noong Setyembre 21, 2025 na nanawagan kontra korapsyon sa gobyerno. (c) Aviso Zamboanga

Pinasaringan din ng kongresista ang ilang ahensya at maging ang Ombudsman: “Bakit sa Davao City lang sila ganado at sa ibang lugar biglang nagkukulang sa pamasahe at pang-hotel?”

Hamon pa ni Duterte, dapat ding suriin ang mga proyekto ni dating House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe.

“Nandito na kayo sa Mindanao, di niyo na lang dinaanan mga projects ni Cong. Dalipe na sigurado ako magaganda at pulido—kasing pulido ng paglobo ng tiyan niya,” ani Pulong.

Si Dalipe, na nabigong muling mahalal, ay sinasangkot ng mga netizens sa umano’y substandard at ghost projects, kabilang ang mga flood-control initiatives.

Nananawagan din ang ilang taga-Zamboanga na isailalim siya sa lifestyle check dahil sa umano’y marangyang pamumuhay at mga ari-arian. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here