Manila, Philippines – Isa sa mga darating na Linggo ay huwag sanang ikabigla ng mga loyal viewers ng Bubble Gang kung mapapanood nila roon si Vice Ganda.
Katuparan nga ’yon ng matagal nang pinapangarap ng Unkaboggable Star na maging panauhin ng longest-running gag show sa bansa.
Ipinost nga ng It’s Showtime host ang card na kasama ng isang bouquet of white roses.
Saad sa card na mula kay Michael V, ang main star at creative director ng 30-year-old show sa GMA: “Dear Vice, thank you for guesting. Batang Bubble ka na.”
Simple lang ang caption ni Vice — isang happy face at red heart emoji.
Kung babalikan, noong August 2023 nang ipahayag ni Vice ang matinding interes na mag-guest sa show.
Naghihintay lang daw siya noon ng imbitasyon at kung ano ang ipagagawa sa kanya.
Around the same time naman nang mag-guest si Michael V sa Showtime kung saan sinabi niyang anything is possible on TV at sa mundo ng pagpapatawa.
Kaya abangan ang guesting ni Vice Ganda sa Bubble Gang, which is hoped to generate very high ratings.