Home HOME BANNER STORY 72 tigok sa Cebu killer quake; 2,329 aftershocks naitala

72 tigok sa Cebu killer quake; 2,329 aftershocks naitala

260
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 72 ang bilang ng nasawi sa magnitude 6.9 lindol sa Cebu, ayon sa ulat ng National Disaster Risks and Reduction Management Council nitong Huwebes.

Mahigit 200 ang sugatan, kabilang ang 294 na kumpirmadong kaso na kasalukuyang bineberipika.

Ayon kay OCD Region 7 Director Joel Erestain, nadagdagan ng tatlo ang mga nasawi kagabi ngunit umaasa siyang hindi na tataas pa ang bilang.

Wala umanong naiulat na nawawala bagama’t nagpapatuloy ang paghuhukay sa mga guho.

Apektado ng lindol ang 47,221 pamilya o 170,959 katao, at 20,000 ang napilitang lumikas.

Naitala rin ng PHIVOLCS ang 2,329 aftershocks, 13 dito ang naramdaman, kabilang ang pinakamalakas na magnitude 5 na tumama alas-10:46 ng gabi noong Miyerkules. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here