Home NATIONWIDE Dedo sa Cebu quake, umakyat na sa 73

Dedo sa Cebu quake, umakyat na sa 73

265
0
Nawasak ang Archdiocesan Shrine ng Santa Rosa de Lima sa Daanbantayan, Cebu matapos ang malakas na lindol.

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Office of Civil Defense (OCD) na nagtapos na ang search, rescue, at retrieval operations sa Cebu matapos ang magnitude 6.9 na lindol.

Umakyat na sa 73 ang bilang ng nasawi at lahat ng nawawala ay natukoy na.

Kabilang sa mga biktima ang isang bata at ang kanyang ina na nadaganan sa loob ng kanilang pension house, gayundin ang isang 17-anyos na dalagita na nasawi matapos subukang sagipin ang kanyang ina at sanggol na kapatid.

Sa San Remigio, natagpuan din ang anak ng referee na si Gemma Destura matapos maipit sa gumuhong sports complex.

Samantala, nananatili pa ring nasa labas ang mga pasyente ng Cebu Provincial Hospital kahit idineklara na ng mga inhinyero na ligtas ang gusali, dahil takot pa rin ang marami sa mga aftershock. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here