Home NATIONWIDE Sen. Chiz nahaharap sa ethics complaint sa Senado

Sen. Chiz nahaharap sa ethics complaint sa Senado

343
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Sen. JV Ejercito, chair ng Senate Ethics Committee, na may ethics complaint na isinampa laban kay Senador Francis “Chiz” Escudero nitong Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Ejercito na hindi pa niya natatalakay ang reklamo at pag-uusapan pa ito ng komite.

Ayon kay Escudero, na matagal nang bumabatikos kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng flood control corruption at impeachment issue, hindi na siya nabigla sa reklamo.

“Ito ang kabayaran sa pagbanggit ko sa pangalan ni Martin Romualdez at sa pagbubunyag ng katotohanan. Isa lang itong harassment mula sa kanyang mga tauhan,” ani Escudero, na tinawag ang reklamo na isang “politically motivated sham.”

Kamakailan, inakusahan ni Escudero si Romualdez bilang nasa likod ng flood control anomaly, ngunit tinawag naman ito ni Romualdez na isang “Duterte Die-Hard Supporter script” na walang katotohanan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here