MANILA, Philippines – Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi ang pulisya ang bumaril at nakapatay kay Eric Saber, ang construction worker na nasawi sa anti-corruption protest noong Setyembre 21.
Sa pagdinig ng budget sa Kongreso, sinabi ni Rep. Arnie Fuentebella na walang pulis na nagpaputok ng baril at binanggit na may mga kuha ng “rioters na may dalang baril,” kaya posibleng aksidenteng putok ang dahilan ng pagkamatay ni Saber.
Tiniyak ni Fuentebella na iimbestigahan ng pulisya ang insidente upang mapanagot ang mga responsable, at iginiit na “kailangang makamit ang hustisya.”
Dagdag pa niya, iginagalang ang kalayaan sa pamamahayag ngunit hindi papayagan ang karahasan.
Gayunman, iginiit ni House Deputy Minority Leader Antonio Tinio na dapat managot ang PNP, habang nagpapakita ng video ng pagkakabaril kay Saber.
Nanindigan si Fuentebella na walang nasaktan na dulot ng aksyon ng pulisya. RNT