Home ENTERTAINMENT Ellen at Derek, magkahiwalay na sinagot si Xian!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ellen at Derek, magkahiwalay na sinagot si Xian!October 3, 2025 13:303290 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Kanya-kanyang sagot ang ipinost ng mag-asawang Ellen Adarna atDerek Ramsay bilang reaksyon sa “give-away” namang blind item ni Xian Gaza.“Extra” pa nga sa tsika ni Xian si John Lloyd Cruz na ang ginamit niyang reference ay “JL.”Kesyo hindi raw pinakasalan ng girl (Ellen) si JL dahil wala itong mapapala kundi kalahati ng lupa sa paso at limang banig ng Biogesic.Obyus ngang si Lloydie ang tinutukoy dahil dating ineendorso nito ang popular paracetamol brand.Mautak daw ang girl dahil ang pinakasalan nito’y “bilyonaryo.”Boljak naman ang inabot ni Xian kay Ellen, na nagsabing huwag nitong maliitin si John Lloyd na maraming assets.In a way, itinanggi rin ni Ellen na bilyonaryo si Derek na pinakasalan niya.Ang mga kilala raw niyang bilyonaryo ay sangkot sa flood control project anomaly at mga prominenteng pulitiko!Kinabukasan naman nang sumagot si Derek.Aniya, simple lang ang nais niyang sabihin–walang katotohanan sa mga sinabi ni Xian.But here’s the catch–mukhang may katotohanan ngang hindi na sa iisang bubong nagsasama sina Ellen at Derek.Bago kasi sinagot ni Ellen si Xian ay kasama nito ang ilang mga kaibigan na nagpapaka-fan girl kay Ken Chu ng F4.Napapasayaw pa nga sila sa loob ng sasakyan.Si Derek nama’y kagigising lang nang sagutin si Xian.Kapuna-punang wala si Ellen sa tabi ni Derek sa kama tulad ng nakasanayan na ng mga netizens.Sila pa ba o waley na? Ronnie Carrasco III