Home HOME BANNER STORY Pagbisita, welfare check kay FPRRD itinanggi ni Trillanes

Pagbisita, welfare check kay FPRRD itinanggi ni Trillanes

284
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ni dating senador Antonio Trillanes IV nitong Biyernes, Oktubre 3 na binisita niya si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court detention center sa The Hague, Netherlands para magsagawa ng welfare check.

“Hindi po ako bumisita kay Duterte at napakadali ho niyang malaman ‘yan kasi naidiscuss po sa amin ng ICC ang mga polisiya sa ICC detention center,” pahayag ni Trillanes sa panayam ng DZBB.

Idinagdag pa ni Trillanes na si Duterte ay may access sa telepono 24/7 at maaari itong makapagsabi sa pamilya kung may nangyari man.

Kamakailan ay naghain ng resolusyon si Senador Robin Padilla na humihimok na magsagawa ng imbestigasyon sa Senado sa umano’y katungkulan ni Trillanes para magsagawa ng welfare check sa dating Pangulo.

Sa kanyang Senate Resolution No. 141, sinabi ni Padilla na mayroong usap-usapan na si Trillanes ay itinalaga ng pamahalaan para magsagawa ng welfare check kay Duterte.

Aniya, dapat linawin kung ito ay opisyal na ipinagawa ng alinmang branch o ahensya ng pamahalaan.

Nauna nang nagpahayag ng pangamba si Vice President Sara Duterte kaugnay sa umano’y welfare check na isinagawa ng Philippine Embassy sa The Hague sa kanyang ama habang ito ay nasa detention. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here