Manila, Philippines- “Airbnb ‘yon, wala akong bahay sa France!”
Ito ang isinagot sa amin ni Sylvia Sanchez makaraang i-forward namin sa kanyang ang iniulat namin dito sa Remate Online kamakailan.
Ibinalita kasi namin ang pang-uurot sa malapit din niyang kaibigan na si Lorna Tolentino.
Ms. LT is being urged to come forward to defend Sylvia and her Atayde family amid talks about their “material possessions.”
Nauna na kasing ipinagtanggol ni Alma Concepcion ang pamilya Atayde na matagal nang kaibigan ng award-winning actress.
Sinundan ito ni Ynez Veneracion with her corroborating statement.
Alma’s and Ynez’s statements clearly address na sa matino at ligal na paraan na-acquire ng Atayde family ang beachfront house sa
Batangas, yate at kung anu-ano pa.
Speaking of Lorna, may Reels video rin kasing kumalat kung saan kasama siya sa France.
For the record, madalas isinasama ni Sylvia ang kapwa aktres sa tuwing idaraos ang Cannes Film Festival.
Ang Cannes ay nasa France.
The video shows Sylvia waking up one morning para itsek ang inihahandang almusal.
Isang bahagi sa video’y makikita si Lorna sa interior ng bahay–na ayon sa paglilinaw ni Sylvia sa aming FB Messenger ay Airbnb: “Wala kaming bahay sa France.”