Home NATIONWIDE 3 armadong tulak laglag sa magdamagang buy-bust ops ng mga parak sa...

3 armadong tulak laglag sa magdamagang buy-bust ops ng mga parak sa Bulacan

172
0

Bulacan – Arestado ang 35 anyos na tulak nang mahulihan ng baril at P13, 600.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Sa report ni PLTCOL Russel Dennis Reburiano, hepe ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU), kinilala ang suspek na si alyas “King”, residente ng Brgy. Gumaoc Central.

Ayon sa report, ikinasa ang operasyon ng PIU/PDEU Bulacan kasama ang SJDM police station angbandang 10:40 ng gabi nitong Oktubre 3 sa Brgy. Gumaoc Central.

Nasamsam sa operasyon ang Caliber .357 Smith and Wesson revolver na may limang bala, limang sachets ng hinihinalang shabu na tumimbang ng 2.00 gramo na aabot sa halagang P13,600.00, sling bag at buy-bust money.

Samantala, huli rin ang 44 anyos na truck driver at 26 anyos, truck helper kapwa residente ng Brgy. Camachile, DRT sa kaparehong operasyon ng pulisya nang magbenta ng sachet ng iligal na droga sa poseur buyer sa Brgy. Pinaod, San Ildefonso bandang 3:50 ng madaling araw nitong Oktubre 4.

Nasamsam sa operasyon ang Caliber .9mm pistol, magazine na may tatlong bala, apat na pirasong sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 1.5 gramo nasa halagang P10,200.00, body bag at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang habang nakakulong sa yunit at istasyong humuli sa kanila. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here