MANILA, Philippines – Aminado si Senator Alan Peter Cayetano na maliit ang posibilidad na matupad ang kanyang mungkahi na magbitiw sa puwesto ang lahat ng matataas na opisyal ng gobyerno at magkaroon ng snap elections.
Gayunman, iginiit ng senador na mas nais niya ito kaysa humantong sa kudeta o panibagong People Power bunsod ng hinanaing ng taumbayan laban sa katiwalian.







