Home NATIONWIDE Cayetano mas pabor sa snap elections, mass resignation kaysa kudeta

Cayetano mas pabor sa snap elections, mass resignation kaysa kudeta

246
0

MANILA, Philippines – Aminado si Senator Alan Peter Cayetano na maliit ang posibilidad na matupad ang kanyang mungkahi na magbitiw sa puwesto ang lahat ng matataas na opisyal ng gobyerno at magkaroon ng snap elections.

Gayunman, iginiit ng senador na mas nais niya ito kaysa humantong sa kudeta o panibagong People Power bunsod ng hinanaing ng taumbayan laban sa katiwalian.

“Kung mag-isa ako, hindi mangyayari ‘yun. Ang isinusulong natin ay national renewal. May mauuna talaga na mag-resign pero sasabay lahat,” pahayag ni Cayetano sa isang press briefing ngayong Oktubre 8.

Ayon pa sa kanya, “Suntok sa buwan naman itong proposal na ‘to. But you never know, minsan, tinatamaan ang buwan.”

Una nang tinutulan ng Palasyo at ilang mambabatas ang panukala ni Cayetano, na sinabing labag ito sa Konstitusyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here