Home NATIONWIDE Bagyong Quedan papasok ng PAR ngayong Okt. 9

Bagyong Quedan papasok ng PAR ngayong Okt. 9

360
0

MANILA, Philippines – Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa hapon o gabi ng Oktubre 9 ang bagyong may internasyonal na pangalang “Nakri,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules.

Ayon sa PAGASA, taglay ni Nakri ang laksa ng hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 80 kph habang kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 25 kph. Huling namataan ito sa layong 1,725 kilometro silangan ng dulong hilagang Luzon.

Pagtuntong sa PAR, papangalanan itong “Quedan.” Inaasahang tutuloy ito sa hilagang-kanlurang direksyon at lalabas ng PAR sa madaling-araw ng Oktubre 10 bago pa lumakas bilang severe tropical storm sa Oktubre 11 habang papunta sa Ryukyu Islands ng Japan.

Sinabi ng PAGASA na mababa ang posibilidad na direktang makaapekto si Nakri sa panahon o kondisyon ng dagat sa bansa, kaya walang itataas na tropical cyclone wind signal.

Gayunman, posibleng magdulot ng malalakas hanggang bugso ng hanging gale-force ang intertropical convergence zone at northeasterly windflow sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon, Palawan, Visayas, at Mindanao mula Huwebes hanggang Sabado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here