Home METRO 2 tigok, konsehal sugatan sa tambang sa N. Cotabato

2 tigok, konsehal sugatan sa tambang sa N. Cotabato

272
0

NORTH COTABATO – Patay ang dalawang katao habang sugatan naman ang isang babaeng konsehal ng bayan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ang kanyang asawa sa pananambang sa bayan ng Midsayap.

Kinilala ni Lt. Col. Oliver Pauya, hepe ng Midsayap Police, ang mga nasawi na sina Udin Dalgan, 31, residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, at Rahib Wahab, 35, tricycle driver mula Barangay Sambulawan, Kadayangan, SGA-BARMM.

Sugatan naman sina Kadayangan Municipal Councilor Saida Endaila, ang asawa nitong si Madron Endaila Jr., 48, dating sundalo, at Lani Yusop, 20.

Batay sa report ng Midsayap PNP, dakong 8:45 a.m. noong Martes, Oktubre 7, 2025, naganap ang krimen sa Barangay Salunayan ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lulan umano ang mga biktima ng isang itim na Toyota Fortuner (NDC 3579) nang biglang pagbabarilin ng mga armadong lalaki sakay ng puting minivan.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon habang isinugod naman sa ospital ang mga biktima. Subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga si Dalgan, habang patay sa stray bullet si Wahab.

Paniniwala ng pulisya, posibleng rido o personal na alitan ang motibo sa naturang krimen.

/Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here