Home NATIONWIDE 1-buwang tax holiday, hirit ni Sen. Tulfo sa gitna ng flood control...

1-buwang tax holiday, hirit ni Sen. Tulfo sa gitna ng flood control mess

306
0

MANILA, Philippines – Naghain si Senador Erwin Tulfo, pansamantalang tagapangulo ng Senate Blue Ribbon Committee, ng panukalang batas na magbibigay ng isang buwang income tax holiday bilang tulong pinansyal sa gitna ng kontrobersiya sa mga proyektong flood control.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1446 o “One-Month Tax Holiday of 2025,” layon ni Tulfo na direktang maibalik ang benepisyo sa mga manggagawa matapos ang mga ulat ng katiwalian na kinasasangkutan ng bilyun-bilyong pondo ng gobyerno.

“The exposure of alleged anomalies on flood control projects, involving billions of pesos in public funds, has gravely eroded public trust in government fiscal stewardship,” ani Tulfo. “The Filipino people have raised a clear and resounding clamor—‘Ibalik ang pera ng bayan. Ibaba ang tax.’”

Dagdag pa niya, “The welfare of the people is the supreme law. Kaya nararapat lamang na tumugon ang Estado sa pamamagitan ng pagbibigay ng konkretong ginhawa sa mismong mga nagbabayad ng buwis.”

Saklaw ng panukala ang mga indibidwal na kumikita bilang empleyado sa unang payroll month matapos maaprubahan ang batas. Para naman sa mixed income earners, tanging ang bahagi ng compensation income ang magiging tax-exempt.

Mananatili pa rin ang mga mandatory contributions gaya ng GSIS, SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, at iba pang loan amortizations, at ipinagbabawal ng panukala ang pagbaba ng sahod ng mga empleyado habang ipinatutupad ang tax holiday.

Itinalaga si Tulfo bilang acting chairperson ng Blue Ribbon Committee matapos magbitiw si Sen. Panfilo “Ping” Lacson dahil sa mga batikos sa kanyang paghawak ng imbestigasyon sa mga iregularidad sa flood control projects. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here