Home HOME BANNER STORY Bilang ng nasawi sa Cebu quake, umakyat na sa 74 — NDRRMC

Bilang ng nasawi sa Cebu quake, umakyat na sa 74 — NDRRMC

333
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 74 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Bogo City, Cebu noong Setyembre 30, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes.

Batay sa 6 a.m. report ng ahensya, 559 katao ang nasugatan habang umabot sa 666,439 indibidwal o 189,620 pamilya sa Central Visayas ang naapektuhan ng lindol. Sa bilang na ito, 7,813 residente ang nawalan ng tirahan.

Nagdulot din ang lindol ng pagguho ng lupa, sunog, pagguho ng mga gusali, at pagtagas ng kemikal, ayon sa NDRRMC.

Umabot sa 71,996 bahay ang nasira — 67,027 ang partially damaged at 4,969 ang totally damaged — bukod sa 706 istrukturang naapektuhan. Walong kalsada at 20 tulay ang hindi madaanan.

Patuloy pa rin ang brownout sa 48 sa 91 lugar, habang may problema pa rin sa tubig at komunikasyon sa ilang bahagi.

Nanatiling suspendido ang operasyon sa dalawang pantalan, at kanselado ang klase sa 115 lugar at trabaho sa 29 lugar.

Idineklara na ang state of calamity sa buong lalawigan ng Cebu.

Ayon sa NDRRMC, umabot na sa ₱152.68 milyon ang halaga ng tulong na naipamahagi sa mga biktima ng lindol. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here